0

First Post - Welcome to my personal blog

Posted by Jevelme Frago on 9:17 PM in , ,
Hello po sa lahat! Welcome to my personal blog.

Ako po si Jevelme Frago, 27 years old nakatira sa Pasay City. I have 1 daughter and she's turning 5 year old this coming May 22 and I have 1 and only super pogi at mapagmahal na asawa.  :-) Ako po ay isang full time housewife and freelance internet marketing specialist.

This is my happy family!



I decided to create this personal blog since sanay ako mamahagi ng mga pangyayari sa aking buhay lalo na sa Facebook at Instagram. Lalo na ngayon nakahiligan kong magluto  at nag woworkout din ako sa Fitness First MOA  tuwing hapon. I almost workout everyday, kaso every weekend kasi bonding namin buong pamilya kaya hindi ako nagpupunta sa gym.



I'm so excited to share my recipes din, unfortunately bago pa lang akong natutong magluto so expect nyo na puro pang gagaya ang ibang mga recipe ko sa ibang mga blogs.

I wanted to share din ang mga workouts na ginagawa ko sa fitness first, although hindi pa effective ang pagpapa sexy ko kasi almost a month pa lang since I have started mag workout. I am attending different group classes sa fitness din pero mas focus ako sa Yoga like body balance, hot flow, at gentle flow. I haven't tried yong hardcore yoga sa fitness kasi as I've said, kakastart ko palang mag Yoga baka mabali mga buto buto ko pag pilitin ko agad. I signed up for a 1 year contract sa Fitness so mahaba haba ang pag woworkout ko at hindi ako nagmamadaling sumiksi agad. :-) Yong goal ko kaya ako nag workout is because gusto ko mamaintain ang heathly lifestyle since full time mom ako at merong part time pero homebased. This is advisable din sa mga mommies out there, dapat mamaintain ang beauty kahit may sariling pamilya na. :-)


I guess, this is it for now. I hope you would enjoy this blog at makakapulutan nyo ng mga ideas lalo na sa mga mommies na katulad ko.

Have a great day!

Xoxo,
Jhie

0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2014 Nanay Ko Po - Mother Stuff All rights reserved.